A. Ang Buhay ni Rizal sa Brussels
1. Umalis si Rizal patungo ng lunsod ng Brussels (1890) kasama ni Jose Albert at nanuluyan sa isang kainamang bahay paupahan sa 38 Rue Philippe Champagne na pinangasiwaan ng magkapatid na babaeng Jacoby na sina Suzanne at Marie.
2. Sa Brussels ay sinimulang sulatin ni Rizal ang nobelang El Filibusterimo at nagsusulat din siya ng mga ipinadadalang artikulo para sa La Solidaridad .
3. Ginugugol din niya ang kanyang mga libreng sandali sa pagpapalakas ng katawan sa gymnasium at sa pagsasanay sa pagbaril at iskrima.
4. Naging kasama ni Rizal sa kuwarto si Jose Alejandrino napansin niya ang labis na katipiran ni Rizal sa pamamagitan ng pagkain sa bahay at pagluluto nila ng pansit.
5. Mga Artikulong ni Rizal sa La Solidaridad ng siya ay nasa Brussels.
a. A la Defensa - isang sagot sa mapanirang artikulo ni Patricio Escosura.
b. La Verdad Para Todos - isang pagtatanggol sa mga katutubong pinuno sa Pilipinas sa mga pamumuna ng mga Espanyol na ang Pilipino ay mangmang at tanga.
c. Vicente Barrantes Teatro Tagalog - ipinakita ni Rizal ang kamangmangan ni Vicente Barrantes sa tanghalang sining ng mga Tagalog.
d. Una Profanacion - isang artikulo na tumutuligsa sa mga prayle sa pagkakait nito ng isang Kristiyanong libing para sa kaniyang bayaw na si Mariano Herbosa.
e. Verdades Nueva - sinagot ni Rizal ang akusasyon ni Vicente Belloc na ang pagbibigay ng reporma sa Pilipinas ay makakasira sa katiwasayan ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas.
f. Crueldad - sa artikulong ito ay ipinagtanggol ni Rizal si Blumentritt laban sa paninira ng mga kaaway nito.
g. Diferencias - kaniyang sinagot ang isang artikulo na nanunudyo sa mga Pilipinong humihingi ng Reporma.
h. Inconsequencias - ipinagtanggol niya si Antonio Luna laban sa ginawang paninira ni Mir Deas.
i. Llanto y Risas - mapait na pagpuna ni Rizal laban sa mababang pagtingin ng mga bayarang mamahayag ng prayle sa mga kayumangging Pilipino.
j. Ingratitudes - isang artikulo na sumasagot sa sinabi ni Gobernador Weyler sa mga taga-Calamba na huwag magpalinlang sa mga walang kabuluhang pangako ng kanilang mga walang utang na loob na anak (isa na dito si Rizal).
-
Binigyan din ni Rizal ng pansin ang ortograpiya ng wikang Tagalog sa pamamgitan ng paggamit ng k at w at ituwid ang Hispanikong pagsulat tulad ng arao at salacot. Dahilan dito ay sinulat ni Rizal ang kanyang artikulo Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua de Tagalana kanyang inilathala sa La Solidaridad.
-
Dito isinalin ni Rizal ang akda ni Schiller na William Tell mula sa Aleman sa wikang Tagalog.
-
Nabalitaan ni Rizal kina Juan Luna at Valentin Ventura na ang mga Pilipino sa Madrid ay nagugumon sa sugal. Sinulatan ni Rizal ang mga Pilipino sa Madrid at sinaway nila ang mga ito sa kanilang pagkakagumon sa sugal. Nagalit ang ilang mga Pilipino kay Rizal at tinawag nila itong Papa imbes na Pepe na kanyang tunay na palayaw.
-
Sa Brussel ay nakatanggap si Rizal ng masamang balita.
a. Ang sumasamang kalagayan ng mga magsasaka sa Calamba.
b. Nagharap ng demanda ang mga Dominicano para alisin ang lupang kanilang pinapaupahan kay Don Francisco Mercado - Rizal.
c. Ipinatapon si Paciano at kanyang mga bayaw na si Manuel Hidalgo ay muling ipinatapon saBohol.
d. Nararamdaman ni Rizal ang kanyang nalalapit na kamatayan.
-
Dahilan sa pag-uusig na nadarama ng kanyang pamilya si Rizal ay nagbalak ng umuwi, sa dahilang hindi siya maaring manatili na nagsusulat lamang habang ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay nagdaranas ng lupit ng mga paring Espanyol. Ang kanyang balaking umuwi ay sinalunga ni Graciano Lopez- Jaena at gayundin ng kanyang mga kaibigang sina Basa, Blumentritt, at Mariano Ponce.
-
Nagbago lamang ang isipan ni Rizal nang matanggap niya ang sulat ni Paciano na nagsasabing natalo sila sa kaso at ito ay kanilang iaapela sa korte supremo sa Madrid at dito si Rizal ay nagtungo para tingnan ang kanyang magagawa sa kaso.
-
Nagkaroon ng romansa si Rizal kay Petite Sussane Jacoby - ang pamangkin ng kanyang mga kasera.