top of page
Segunda
Leonor V
Leonor R
Seiko
Gertrude
Susanne
Nellie
Bracken
  • JULIA

Noon ay buwan ng abril, 1877. Nagtungo si Rizal sa Ilog Dampalit sa Los Baños, Laguna upang maligo. Doon nya nakita ang isang magandang babae na nagngangalang Julia. Mula noon ay larawan na ni Julia ang nakakintal sa isipan ni Rizal subali't tulad ng iba pang kabataan, ang paghanga ring nalimutan nang makakilala siya ng isang dalagita ring taga-Lipa Batangas.

 

 

 

  • SEGUNDA KATIGBAK

Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda, ang dalagitang taga-Lipa, Batangas. nakilala ni Rizal ang dalagang ito sa Troso, maynila sa bahay ng kanyang lola noong buwan ng disyembre 1877, sampung buwan matapos makilala nya si Julia. Inilarawan ni Rizal si Segunda na may mahabang buhok, matang nangungusap na maapoy kung minsan at mapanglaw naman sa ibang pagkakataon, malarosas na kutis na may kasamang nakatutuksong ngiti, magagandang ngipin at may kilos na malanimpa. Unang pagtatagpo nila ay nahilingan ni Rizal na iguhit niya ang larawan ni Segunda na kanya namang pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis na pag-iibigan. Pinigilan ni Rizal ang sarili na tuluyang mahalin si Segunda dahil batid niya na naipangako na ito sa ibang lalaki, si Manuel Luz, subali't nagpatuloy pa rin siya sa pagdalaw dito. 

 

 

 

  • VICENTA YBARDALOZA

 

Ang sakit na nadama ni Rizal sa paghihiwalay na iyon ay pinilit niyang pinawi sa pagdalaw sa dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna na tinatawag niyang binibining L. Sinabi ni Rizal na mas matanda ito sa kanya, maputiat nagtataglay ng mga matang kaakit-akit. Pinaniniwalaan na ang babaing ito ay ang gurong si Vicenta Ybardaloza. Madalas na dalawin ni Rizal si binibining L bagamat ang puso niya ay patuoloy na nagungulila kay Segunda. nahinto lamang ang pagdalaw niya kay Bb. L nang pagbawalan siya ng kanyang ama.

 

 

 

  • LEONOR VALENZUELA

 

Nang ikalawang taon niya sa UST ay nakilala niya si Leonor na kapit-bahay ng may-ari ng bahay na tinutuluyan ni Rizal na si Doña Concha Leyva.Si Leonor ay anak nina Kapitan Juan at ni kapitana Sanday Valenzuela. Sila ay nagpalitan ng sulat, at upang hindi malaman na sila'y may kaugnayan, tinuruan ni Rizal si Leonor sa pagsulat na ang tintang ginagamit ay tubig at asin. Subalit hindi nagtagal ang kanilang pag-iibigan at nagkasundo na lamang silang magturingan bilang magkaibigan.

 

 

  • LEONOR RIVERA

 

Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal. nagtagpo ang landas ni Rizal at ni Leonor Rivera nang ipagsama ni Paciano ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor. Ang pagmamahalan sa isa't isa ay naramdaman nila nang masugatan si RIzal sa isang pag-aaway ng mga estudyante sa UST at ito'y ginamot ni Leonor. Siya ay inilarawan na may maputing balat, alon-along buhok na mamula-mula, may maliit na bibig, may kalakihan at maitim na mata at mahahabang pilikmata, iong na may katamtamang tangos, ngiting binabagayan ng dalawang biloy sa mala-rosas na mga pisng, matamis na tinig na binabagayan ng kahali-halinang halakhak. Matagal nagkawalay ang dalawa nang nagtungo si rizal sa Madrid. Ikinasal kay Henry Kipping si leonor Rivera noong June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina. Namatay sa panganganak si Leonor Rivera noong Agosto, 28, 1893 ngunit may sinasabing namatay din siya dahil sa kalungkutan.

 

 

 

  • CONSUELO ORTEGA y REY

 

Si RIzal ay hindi naman kagandahang lalaki ngunit nagtataglay ng maraming talento kaya't nagustuhan siya ng magandang anak ni Don Pablo sa Madrid na si Consuelo. may dalawang dahilan kung bakit umayaw si Rizal sa relasyon nila:

  1. May kasunduan na sila ni Leonor.

  2. Ang kanyang kaibigan at kasamahan sa propaganda na si Eduardo de Lete ay may gusto din kay Consuelo.

 

 

 

  • SEIKO USUI

 

Si Seiko ay 23, si Rizal naman ay 27. Nagsimula ang pag-iibigan nila nang lumipat si Rizal sa Legasyon ng Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Humanga si Seiko kay Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang niponggo ay pinipilt niya para lang makausap siya kaya ginawa ni Seiko ay nagsalita siya ng wikang pranses at ingles. Doon na sana titira sa Japan si Rizal ngunit mas nanaig ang misyon niya na na pagpapalaya sa Pilipinas. Taong 1897 matapos mamatay ni rizal ay nagpakasal si Seiko kay Alfred Charlton, isang British guro ng chemistry.Namatay si Seiko noong May 1, 1947. 

 

 

 

  • GERTRUDE BECKETT

 

Anak si Gertrude ng may-ari ng bahay na tinirhan ni Rizal nang magtungo siya sa London. Inilarawan ni Rizal si Beckett bilang babaeng may kulay brown na buhok, asul na mata at mapupulang pisngi. HIndi rin nagtagal at umalis siya sa London upang makalimutan na siya ni Beckett at ipagpatuloy ang misyon a Maynila.

 

 

 

  • ​SUSANNE JACOBE

 

Isa sa dalawang dahilan kung bakit masaya si Rizal nang umalis ng Belgium. Noong Abril, 1891 pagkatapos isulat ang El Filibusterismo ay bumalik siya sa Belhika na ikinatuwa naman ni Susanne Jacobe. 

 

 

 

  • NELLIE BOUSTED

 

Isang babaeng maganda, matalino, mahinahon, may mataas na moralidad at totoong Filipina. May dalawang dahilan kung bakit hindi niyaya ni Rizal si Nellie na magpakasal:

  1. Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal.

  2. Ayaw palipat ni Rizal sa relihiyong protestantismo na gusto naman ni Nellie

 

 

 

  • JOSEPHINE BRACKEN

 

Ipinanganak si Bracken noong October 3, 1876. ang kanyang mga magulang ay sina James Bracken at Elizabeth Jane MacBride mga Irish. ngunit namatay ang ina nya sa panganganak kaya't inalagaan siya ni Ginoong George Taufer. Inilarawan ni Rizal si Bracken bilang isang babaeng irish na 18 taong gulang, may gintong buhok, asul na mata at simpleng manamit pero elegante. Nagkita sila ni Rizal ng ipagamot ni Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan. pagkalipas ng isang buwan nagpasya ang dalawa na magpakasal subalit nalaman ito ni Ginoong Taufer, dahil sa pagaakalang iiwan ni Josephine ay nagbanta siyang magpakamatay. Nang bumalik si Taufer sa Hong Kong, bumalik din si Bracken sa Dapitan upang magpakasal kay rizal. Ngunit tinanggihan ito ni Padre Obach kaya't sila'y naghawak kamay at ikinasal ang kanilang sarili. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang kanilang anak na walong buwan pa lamang. Ito ay pinangalanan ni Rizal na Francisco. Bago mamatay si rizal, binigay niya muna ang librong imitation Of Christ ni Padre Thomas Kempis. Ikinasal si Josephine 2 taon matapos mamatay ni Rizal kay Vicente Abad. 

 

Love

bottom of page