KAtipunan ng mga MAg-aaral na NAgtataguyod kay Rizal
2003
PAMBUNGAD
Kami bilang mag-aaral na kumukuha ng “kursong Rizal” na mangunguna sa
pagmumulat at pagtatalagang muli ng mga Pilipino nang kanilang sarile sa mga
simulain ng nasyonalismo at kalayaang pinagsumikapang matamo ni Dr. Jose Rizal,
na gaganap at magsisilbing gabay ng mga kabataan sa panahon ng paghubog ng kaisipan at paglinang ng disiplinang pansarili, damdaming sibiko at kagandahang asal, sa layuning maging bahagi ng pamayanang nagsusuri, kumikilos at nagbibigay ng mga solusyong angkop sa mga suliraning dulot ng kasalukuyang panahon at mga kaganapan – kasihan nawa kami ng Poong Maykapal.
ARTIKULO I
Katangian, Saklaw, Pangalan, Sagisag, Tanggapan
Seksiyon 1 – Katangian
Ang Katipunan ng mga Mag-aaral na Nagtataguyod kay Rizal (KAMANARI) ay isang “student academic organization”. Ito ay itinatag ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong Rizal para sa kanilang interes, kagalingan, mas malawak na kaalaman sa mga simulain at ideyalismo ng pangunahing bayani ng bansang Pilipinas na si Dr. Jose Rizal.
Seksiyon 2 – Saklaw
Ang tinatanggap o kinikilalang kasapi ay yaon lamang mga mag-aaral na kumukuha ng “kursong Rizal”, gayunpaman, maaaring kumilala ang katipunan ng mga “honorary members”, kahit na ang mga ito ay hindi kumukuha ng kursong nabanggit. Kung ang mga ito ay papasa sa pamantayan ng katipunan (Artikulo 1, Seksiyon 3), ang mga “honorary members” ay maaaring isang estudyante o guro. Dito lamang sa usapin ng pagkilala bilang isang “honorary member” maaaring tumanggap ng kasapi sa hanay ng fakulti.
Ang saklaw na lugar kung saan maipapairal ang presensya ng katipunan ay sa loob ng Unibersidad at mga dalubhasaan ng BSU. Sakop din ang iba’t ibang lugar na pagdarausan ng isang pagtitipon o pag-aaral kaugnayng paksang may kinalaman sa buha, ginawa at sinulat ni Dr. Jose P. Rizal.
Seksiyon 3 – Pamantayan ng pagiging “Honorary Member”
1) Kinikilalang fakulti o estudyante ng Unibersidad.
2) Kumikilala sa Saligang-Batas ng katipunan.
3) Nagsusulong ng mga layunin ng katipunan.
4) Walang masamang rekord laban sa estudyante o faculty.
5) May makabuluhang ambag sa Unibersidad at sa lipunan.
Seksiyon 4 – Pangalan
Ang katipunan ay tatawagin at kikilalanin bilang “Katipunan ng mga Mag-aaral na Nagtataguyod kay Rizal” o “KAMANARI” sa kanyang pinaikling pangalan.
Seksiyon 5 – Sagisag (Logo)
Ang sagisag (logo) ng katipunan ay ang larawan ng dambana ni Rizal sa Luneta, ang sagisag ng BSU sa kanang bahagi, ang KAMANARI sa itaas na pahagi at 2003 ang taon ng pagkakatatag ng katipunan.
Seksiyon 6 – Tanggapan
Ang tanggapan o opisina ng KAMANARI ay matatagpuan sa Bulacan States University, Brgy. Guinhawa, Lungsod ng Malolos.
ARTIKULO II
Layunin
PAngunahin sa mga layunin ng KAMANARI ay ang mga sumusunod: makapagpatupadng mga talakayan/popom, seminars at pakikipamuhay sa iba’t ibang sector ng lipunan gaya ng mga katutubo, magsasaka, kababaihan, mangingisda, manggagawa atbp.
Ang pangunguna sa pagmumulat at pagpapaunlad ng kamalayan sa mga isyung pampulitika at panlipunan ay kagayat na tutugunan ng KAMANARI bilang pangunahin nitong layunin. Bahagi ang magpatupad ng iba pang Gawain bilang sekondaryang layunin ng katipunan gaya ng course by course, department at university-wide debate, pangkulturang panlabas o konsyerto at makabulihang pagguhit. Bahagi rin ng layuninay ang SAGIP-BAYANI iskolarsip. Pakikilahok sa mgamakabuluhang gampanin ng KAPARIZ, at paglinang sa mga katangiang-Rizal na likas na sa mga mag-aaral.
ARTIKULO III
Kasapian
Mahalagang matukoy kung sinu-sinoang maaating sumapi sa katipunan. Kilalanin sila at bigyan ng karampatang kapangyarihan at responsibilidad.
Seksiyon 1
Ang lahat lamang ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Rizal ng kumikilala at magsusulong ng layunin ng katipunan ang maaaring sumapi sa KAMANARI, gayunpaman, ay maaaring kumilala ng kapisanan ng mga “honorary members” (Artikulo I, Seksiyon 2 at Seksiyon 3).
ARTIKULO IV
Pinansyal
Sa kadahilanang ang KAMANARI ay hindi pinopondohan ng alinmang sangay ng Unibersidad, ang kawalan ng pondo ay magiging hadlang para sa pagsusulong ng kagalingan ng mga estudyante.
At dahil sa katayuang ito ng katipunan, nararapat lamang na lumikha ng mga programa upang makalikha ng salaping pangsuporta sa mga proyektong nabanggit.
Seksiyon 1 – Programa
a) Paniningil ng butaw o “membership fee” sa halagang itatakda ng panlahatang kasapian.
b) Paglunsad ng “piso para sa KAMANARI”.
c) Pagpapalabas ng “solicitation letters” at iba pang paraan tulad ng sponsorships.
ARTIKULO XV
Pagpapatibay
Ang Saligang-Batas ng Katipunan ng mga Mag-aaral na Nagtataguyod kay Rizal, KAMANARI na sumasalamin at nagsusulong ng interes at kagalingan ng bawat kasapi ang siyang tatayong gulugod upang epektibong maipatupad ang mga layunin ng katipunan.
Ang pagpapatibay sa Saligang-Batas ay dapat na lagdaan ng mga kasapi na dumalo sa pagdinig ng Saligang-Batas at halalan, sa pangungunang lagda ng mga nanalong kasapi ng Komiteng Tagapagpaganap at ng mga pinuno ng komite, kung mayroon man, kasama ang kanilang posisyon, petsa kung kalian ito pinagtibay at ang lagda ng mga tagapayo.
JOCELYN L. BERNARDINO
Pangulo
JOEY JUAN B. ANGELES JENNIBETH L. ALGOSO
Pangalawang Pangulo(Panlabas) Pangalawang Pangulo(Panloob)
PRISS ANN G. AGPAWA ANDY R. CABALQUINTO
Kalihim Ingat-Yaman
NIÑO ENRICO C. CABREDO RAY-AN S. AZORES
Tagasuri Tagapagsalita
Mga Pangulo ng Komite
EDUARDO C. OCAMPO JAYCEE S. ARCEO
Student Affairs Pinansyal
MICHAEL C. AQUINO ETHELYN LEE T. GARCIA
Proyekto Edukasyon