top of page

Ang mga Huling Oras ni Rizal

1.     Sa ganap na ika -6:00 ng umaga ay binasa ni Kapitan Rafael Dominguez ang kapasiyahan na siya ay bitayin, sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa ganap na ika- 7 ng umaga.

 

2.     Alas 7:00 ng umaga - Tinanggap niyang bisita sina Padre Miguel Saderra Matta (Rector ng Ateneo) at Padre Luis Viza, isang Jesuitang Guro.

 

3.     Alas 8:00 ng umaga - Pumalit kay Padre Viza si Padre Antonio Rosell, inimbitahan siya ni Rizal na mag-almusal. Pagkatapos na mag-almusal dumating si Tinyente Luis Taviel de Andrade at nagpasalamat si Rizal dito sa ginawang pagtatanggol niya.

 

4.     Alas 9:00 ng umaga - Dumating si Padre Federico Faura at sinabi ni Rizal na tama ang sinabi ng pare na mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me Tangere .

 

5.     Alas 10:00 ng umaga - Dumating si Padre Villaclara (guro ni Rizal sa Ateneo) at Padre Vicente Balaguer (kura paroko ng Dapitan). Dumating si Santiago Mataix at kinapanayam si Rizal para sa pahayagang El Heraldo de Madrid.

 

6.     Alas-12:00 ng tanghali - naiwan si Rizal na nag-iisa sa kanyang silid para magtanghalian. Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsusulat. Natapos na niya ang Mi Ultimo Adios at itatago na lamang sa lutuang alcohol at ginawa na rin ni Rizal ang kanyang huling sulat kay Ferdinand Blumentritt.

 

7.     Alas 3:00 ng hapon ay nagbalik si Padre Balaguer sa Fort Santiago at kinukulit si Rizal na gumawa ng isang retraksiyon sa kanyang isinulat na laban sa simbahang Katoliko.

 

8.     Alas 4:00 ng hapon - dumating ang ina ni Rizal sa Fort Santiago. Lumuhod dito si Rizal at hinalikan ang kanyang ina. Sumunod si Trinidad at dito ay ibinigay niya ang lutuang alcoholna naglalaman ng Mi Ultimi Adios .

 

9.     Sa pag-alis ng mga magulang at kapatid ni Rizal ay nagbalik pa rin ang mga Jesuita sa pangungulit kay Rizal na gumawa ng retraksiyon.

 

10.   Alas 6:00 ng gabi - Patuloy pa rin sa pangungulit ang mga Jesuita at mga prayle na gumawa na si Rizal ng isang retraksiyon.

 

11.  Alas 8:00 ng gabi - nagsagawa si Rizal ng kanyang huling hapunan sinabi niya kay kapitan Dominguez na pinatatawad na niya ang lahat ng kanyang mga kaaway .

 

12.  Alas 10:00- ipinadala ng Arsobispo Nozaleda ang isang kopya ng retraksiyon na pipirmahan ni Rizal ngunit ito ay tinaggihan ni Rizal. Dahilan sa hindi napapirma si Rizal sa retraksiyon, ang paring Jesuita ay hinuwad ang lagda nui Rizal at pagkamatay ni Rizal ay sinabi nila na si Rizal ay lumagda ng isang retraksiyon.

 

13.  Alas 3:00 ng umaga- sinasabi ng mga paring Jesuita na si Rizal ay nakinig ng misa at tumaggap ng komunyon. Ngunit ito ay walang basehan.

 

14.  Alas 5:30- kinain ni Rizal ang kanyang huling almusal pagkatapos ay sinulat niya ang dalawang sulat para sa kanyang kasambahay at sa kapatid na si Paciano.

 

15.  Sa nabanggit din na oras ay dumating si Josephine Bracken at ipinagkaloob ni Rizal ang isang aklat ni Kempis na may pamagat na Imitacion de Cristo . Sa nasabing aklat inilagay ni Rizal ang isang sulat na To my dear and unhappy wife, Josephine December 30, 1896. Jose Rizal.

 

16.  Alas 6:00 ng umaga - habang naghahanda para sa martsa sa Bagumbayan, inihanda ni Rizal ang kanyang huling sulat para sa kanyang ama at ina.

 

17. Alas 6:30 - nagsimulang umalis ang martsa mula saa Fort Santiago patungo ng Bagumbayan. Apat na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta ang nasa harapan, sa likuran si Rizal na mahinahong naglalakad kasabay ni Tinyente Luis Taviel de Andrade sa isang tabi at si Padre March at Villaclara sa kabila. Sa likuran ng maraming mga sundalong Espanyol na nasasandatahan. Sa panabi ng martsa ay ang hanay ng mga taong nanonood.

 

18. Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan mas maraming bilang ng mga tao ang naghihintay upang saksihan ang gagawing pagbitay kay Rizal.

 

19. Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade . Pinulsuhan siya ni Dr. Castillo isang manggagamot ng hukbong Espanyol at humanga sa normal na tibok ng pulso nito.

 

20. Alas 7:00 ng umaga - binaril si Rizal sa Bagumbayan.

 

21. Pagkatapos ng barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang katawan at binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay na ito.

 

22. Pagkatapos ng pagbitay, ang bangkay ni Rizal ay inilibing sa sementeryo ng Paco.

 

Ang pagbitay

bottom of page