Mula Dapitan patungo ng Maynila
a. Nagdaan ang barkong Espana sa Dumaguete at binisita dito ni Rizal ang isa niyang kaibigan na si Herrero Regidor na hukom ng lalawigan. Inoperahan niya sa mata ang isang kapitan ngguardia civil.
b. Dumaan sa Cebu at inoperahan niya ang mag-asawang Mateo na kanyang nakilala saMadrid.
c. Dumaan ng Iloilo para mamili at nagdaan sa Capiz ang barko.
-
Sa pagdating ni Rizal sa Maynila ay nakaalis na ang barkong Isla de Luzon na sasakyan sananiya patungo ng Espanya. Napilitang tumigil si Rizal sa barkong Castilla sa loob halos ng isang buwan bilang panauhin ni Enrique Estalon, ang kapitan ng barko.
-
Habang nasa barko si Rizal ay sumiklab ang himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol. Nalaman ni Rizal ang pagsiklab ng himagsikan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga pahayagan sa barko.
-
Sa petsang Agosto 30, 1896 natanggap ni Rizal ang isang sukat ni Blanco na nag-eendorso sa kanya sa Ministro ng Digma.
-
Inilipat si Rizal ng Setyembre 2, 1896 sa barkong Isla de Panay na maglalayag na patungongBarcelona.
-
Ang barkong Isla de Panay ay dumaan ng Singapore, pansamantalang bumaba si Rizal saSingapore at pinayuhan siya ni Don Manuel Camus na isang Pilipinong naninirahan na samantalahin na ang pagkakataon upang makatakas. Hindi ito sinunod ni Rizal.
-
Habang si Rizal ay naglalakbay patungo ng Espanya ay lihim na nagpapadala ng telegrama si Blanco sa Ministerio ng Digmaan na si Rizal ang utak ng himagsikan.
-
Sa Suez Canal ay narinig ni Rizal ang balita ukol sa pagbitay sa mga Pilipinong naghihinalang kasangkot sa himagsikan.
-
Setyembre 28, 1896 - narinig ni Rizal ang bali-balitang siya ay aarestuhin pagdating saBarcelona.
-
Setyembre 30, 1896 - ipinaalam kay Rizal ni Kapitan Alemany ang kautusan na siya (Rizal) ay idedetine sa loob ng kanyang kabina hanggang hindi nakakabalik sa Maynila.
-
Oktubre 3, 1896 - nakarating ang barkong Isla de Panay sa Barcelona at ipinadala saMunjuich Castle na noon ay pinamumunuan ni General Eulogio Despujol . Oktubre 6, 1896 - inilabas si Rizal ng kulungan para ibalik sa Maynila sakay ng barkong Colon.