Unibersidad ng
Santo Tomas (1877-1882)
1. Sa pagtatapos ni Rizal sa Ateneo ay naghanda siya para sa pag-aaral sa unibersidad.
2. Ang planong pagpasok ni Rizal sa unibersidad ay tinutulan ng kaniyang ina dahilan sa pagkakaroon nito ng maraming kaalaman ay nanganganib ang buhay ni Rizal.
3. Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina si Rizal ay isinama ni Paciano sa Maynila para mag-aral.
4. Noong Abril 1877 nagpatala para mag-aral si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas.
5. Ang una niyang kursong kinuha ay Pilosopia Y Letra bunga ng mga sumsusunod na dahilan:
-
Ito ang gusto ng kaniyang ama
-
Wala pa siyang tiyak na kursong gusto
6. Padre Pablo Ramon SJ – ang hiningan ni Rizal ng payo ukol sa kaniyang dapat na maging kurso sa UST.
7. Sa unang semestre ng taong 1877-78 si Rizal din ay nag-aral sa kursong perito agrimensor sa Ateneo.
8. Sa ikalawang Semestre ng nasabing taon ay natanggap ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Ramon SJ na nagpapayo sa kaniya na kumuha ng Medisina. Kinuha ni Rizal ang kurso dahilan sa kaniyang pagnanais na magamot ang kaniyang ina.
9. Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga sumusunod na babae:
-
Binibining L. – isang babae na taga Calamba na laging dinadalaw ni Rizal sa gabi sa panahon ng bakasyon na umuwi siya mula Maynila na bigo kay Segunda Katigbak.
-
Leonora Valenzuela – kapitbahay ng inuupahang bahay ni Rizal. Kaniya itong pinadadalhan ng sulat sa pamamagitan ng hindi nakikitang tinta.
-
Leonor Rivera – pinsan ni Rizal at anak ng kaniyang inuupahang bahay. Sa kanilang pagsusulatan ay ginagamit ni Leonor ang pangalang Taimis.
10. Si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na Espanyol noong 1878. Si Rizal ay pinalo ng sable sa likod ng nasabing opisyal.
11. Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario. Sa nasabing paligsahan ay nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang sinulat na may pamagat naA La Juventud Filipina.Ang paligsahan ay para lamang sa mga Pilipino.
12. Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario ukol bilang pag-paparangal sa ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de Cervantes. Sa nasabing paligsahan ang kaniyang ginawang akda na may pamagat na El Consejo de los Dioses ay nanalo ng unang gantimpla. Ang paligsahan ay bukas sa mga Pilipino at Espanyol.
13. Kampeon ng mga Estudyante – Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na tinatagwag naCompañerismo sa layunin na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga pang-iinsulto ng kanilang mga kamag-aral na Espanyol.
14. Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng mga sumusunod na kadahilanan;
-
Galit sa kaniya ang mga guro ng UST
-
Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga Espanyol
-
Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST