top of page

A. Ang Pag-alis

1.     Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ika-apat na taon ng pag-aaral ng medisina sa UST si Rizal ay nagbalak na tumungo ng Espanya para dito magpatuloy ng pag-aaral.

2.     Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal

  • Paciano – ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa.

  • Antonio Rivera – ang ama ni Leonor Rivera na kumuha ng pasaporte ni Rizal patungo ng Espanya.

  • Jose Mercado – ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim na pag-alis patungo sa Espanya.

3.     Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay ng barkong Salvadora.

4.     Donato Lecha – ang kapitan ng barkong Salvadora.

 

B.    Singapore

1.     Mayo 8, 1882 – narating ni Rizal ang Singapore.

2.     Hotel de la Paz – hotel na tinuluyan ni Rizal sa Singapore.

3.     Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod:

  • Harding Botaniko

  • Distritong Pamilihan

  • Templong Budista

  • Estatwa ni Thomas Stanford Raffles – tagapagtatag ng Singapore.

4.     Nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng barkong Djemnah.

 

C.    Colombo

1.     Maraming iba’t ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa barko Djemnah at binalak ni Rizal na magsalita ng Pranses ngunit hindi siya naintidihan ng mga ito.

2.     Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay masyadong malungkot ang lunsod.

3.     Nakarating siya sa Colombo at sinabi niyang maganda ang lunsod kaysa sa Singapore, Port Galle, at Maynila.

 

D.    Suez Canal

1.     Suez Canal – isang lagusang tubig na nag-uugnay ng Red Sea at Mediterrenean Sea.

2.     Ferdinand de Lesseps – isang diplomatikong Pranses na nagplano ng pagtatayo ng Suez Canal.

3.     Nakarating si Rizal sa Port Said na dulong bahagi ng Ehipto. Dito nakita ni Rizal ang mga tao na nagsasalita ng iba’t ibang mga wika.

 

E.    Naples at Merseilles

1.     Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at noong narating ni Rizal ang Naples noong Hunyo 11, 1882.

2.     Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng Merselles at kaniyang binisita ang Chateu d’Ifna siyang lugar na binanggit ni Alexander Dumas sa kaniyang nobelang Count of Monte Cristo.

 

F.    Barcelona

1.     Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Merseilles aty narating ang Barcelona sakay ng tren galing Pransiya.

2.     Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882.

3.     Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal sa Barcelona dahilan siya ay napatira sa hindi magandang bahagi ng lunsod.

4.     Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw sa Barcelona dahilan sa nakita niya ang lunsod ay nagtataglay ng kalayaan at liberalismo, ang mga tao ay palakaibigan, at magagalang.

5.     Plaza de Cataluña – ang paboritong kaininan ng mga mag-aaral na Pilipino sa Barcelona at dito binigyan si Rizal ng isang piging bilang pagbati sa kaniyang pagdating.

 

G.    Amor Patrio

1.     Amor Patrio – ang unang akda ni Rizal sa labas ng bansa. Dito rin ginamit ni Rizal ang pangalan sa panulat na Laong Laan.

2.     Diariong Tagalog – isang mapangahas na pahayagan sa Maynila na naglathala ng kaniyang mga artikulo.

3.     Basilio Teodoro – ang patnugot ng Diariong Tagalog.

4.     Marcelo H. Del Pilar – ang nagsalin ng Amor Patrio mula sa wikang Espanyol sa wikang Tagalog.

5.     Iba pang mga artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong Tagalog

  • Los Viajes

  • Revista del Madrid

 

H.    Paglipat sa Madrid

1.     Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa epidemya ng kolera sa Pilipinas.

2.     Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio na nagbabalita ng malungkot na kalagayan ni Leonor buhat ng siya ay umalis.

3.     Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid.

 

I.    Buhay sa Madrid

1.     Nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid sa mga kursong:

  • Medisina

  • Pilosopiya at Pagsulat

2.     Nagsikap na Matutunan ang mga sumusunod:

  • Pagpipinta at Paglilok sa Academy of Fine Arts of San Fernando

  • Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell

  • Nag-aral ng mga wikang:

* Pranses

* Aleman

* English

3.     Namamasyal sa mga galerya ng sining at mga museo

4.     Nagbasa ng maraming mga aklat

5.     Naging matipid si Rizal sa kaniyang pagastos

6.     Ang tanging sugal na tinayaan ni Rizal ay ang lotto

7.     Nagpapalipas ng mga libreng oras sa bahay ng mga Paterno

 

J.    Pag-ibig kay Consuel Ortiga y Perez

1.     Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makabisita sa bahay ni Señor Pablo Ortiga y Rey na dating alcalde ng Maynila sa panahon ng panunungkulan ni Gobernador Heneral Polavieja.

2.     Consuelo – ang anak na dalaga ni Don Pablo na umibig kay Rizal.

3.     Pinadalhan ni Rizal ng isang tula ang dalaga na may pamagat na A La Señorita C. O. Y P.

4.     Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa dalaga dahilan sa:

  • Tapat siya kay Leonor

  • Ang kaniyang kaibigang si Eduardo de Lete ay nanliligaw sa dalaga

 

K.    Si Rizal Bilang Mason

1.     Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal ng Espanya na ang mga ito ay kabilang sa samahan ng mga Mason.

2.     Masonerya – isang pandaigdig na kapatiran ng mga taong may malayang kaisipan.

3.     Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi ang tulong ng mga ito sa kaniyang paglaban sa mga prayle sa Pilipinas.

4.     Logia de Acacia â€“ ang balangay ng Masoneya na inaniban ni Rizal.

 

L.    Paghihirap sa Paris

1.     Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan sa hindi naging maganda ang ani sa kanilang lupa. Dahilan dito ay hindi nakarating ang sustento ni Rizal sa Madrid.

2.     Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal para may maipadala lamang kay Rizal.

3.     Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin sa Griego na hindi man lamang nag-aalmusal at nananghalian.

 

M.    Pagpugay kina Luna at Hidalgo

1.     Nagkaroon ng pagpupugay ang mga Pilipino dahilan sa pagkapanalo nina :

  • Juan Luna sa Spolarium

  • Felix Resurecion Hidalgo sa Virgines Christianas Expuesta al Populacho.

 

N.    Pagtatapos sa Pag-aaral

1. Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa Medisina at Pilosopiya

Pagpunta sa Espanya

bottom of page