A. Mga Dahilan ng Paglipat sa Hongkong
1. Kawalan ng kasiyahan sa Europa dahilan sa pagkakaiba ng paniniwala niya kay del Pilar at sa ilang mga Pilipino sa Europa.
2. Upang mas higit siyang maging malapit sa Pilipinas.
3. Para kupkupin ang kanyang pamilya.
B. Pamamaalam sa Europa
1. Nagpaalam ng maayos si Rizal kay del Pilar sa paglalayon na mapanatili ang kaisahan ng mga Pilipino sa Europa.
2. Mula sa Merseilles sumakay ng barkong Melbourne patungo ng Hongkong, kasama ng kanyang bagahe ang 600 na kopya ng El Filibusterismo.
3. Nakatagpo ni Rizal sa barko bilang mga pasahero ang mga babaeng Aleman na nangmamaliit sa kanya sa usapan na hihiya ni Rizal sa pamamagitan ng maginoong pamamaraan.
C. Hongkong
1. Dumating si Rizal sa Hongkong ng Nobeyembre 20, 1891 at sinalubong ng mga kaibigan at dito ay nanirahan sa 5 D' Aguilar Street No. 2 Rednaxola Terrace. Sa nasabi ding tirahan si Rizal ay nagbukas ng isang klinika.
2. Bago magpasko ng 1891 dumating sa Hongkong ang kanyang ama at bayaw na si Silvestre Ubaldo. Sumunod na rin ang kanyang ina, Lucia, Josefa, at Trinidad.
3. Nakasama na muli ni Rizal ang kanyang pamilya sa kapaskuhan sa ibang bansa.
D. Panggagamot sa Hongkong
1. Ginamit na rin ni Rizal ang kanyang propesyon bilang isang manggagamot upang masuportahan niya ang kanyang pamilya. Sa tulong ni Dr, Lorenzo Marquez na kanayang kaibigan. Inilapit niya kay Rizal ang kanyang mga pasyenteng may sakit sa mata.
2. Nakilala si Rizal sa Hongkong sa kanyang kahusayan at ang mga pasyente niya ay mga British, Tsino, Portuges, at Amerikano.
3. Matagumpay niyang inoperahan ang kanyang ina sa Hongkong.
4. Maraming bumati kay Rizal sa kanyang panggagamot.
E. Ang Proyektong Borneo
1. Binalak ni Rizal na magtayo ng isang kolonya sa Borneo na bubuuin ng mga walang lupang Pilipino mula sa ating bansa .
2. Nagpunta siya sa Sandacan at kinausap ang mga pinunong British at nagtagumpay siya na mapagkalooban ang kanyang proyekto ng 50,000 hektaryang lupa, na malapit sa daungan, at mahusay na pamahalaan upang magamit sa loob ng 999 na taon ng walang bayad.
3. Ipinaalam ni Rizal ang kanyang proyekto sa mga Pilipino sa Europa na nagpakita ng pagnanais na ito ay maisakatuparan.
4. Sinulatan ni Rizal si Gobernador Heneral Despujol ukol sa kanyang Proyektong Borneongunit hindi ito sinagot. Sa ikalawang sulat ni Rizal ay hindi pa rin sinagot ngunit ipinarating sa kanya sa konsul ng Espanya sa Hongkong ang pagtutol dito.
F. Mga Sinulat sa Hongkong
1. Ang mga Karapatan ng Tao - isang pagsasalin ni Rizal ng proklamasyon ng Rebolusyong Pranses ng 1789.
2. A la Nacion Espanola - isang artikulo na umaapela sa Espanya na ituwid ang kamaliang nagawa sa mga magsasaka ng Calamba.
3. Sa Mga Kababayan - isang artikulo na nagpapaliwanag sa sitwasyong agraryo sa Calamba.
4. Una Revisita a la Victoria Gaol - artikulo ukol sa kanyang pagbisita sa kulungan ng Hongkong kumpara sa malupit na kulungan sa Pilipinas.
5. The Hongkong Telegraph- isang pahayagan kung saan si rizal ay nagpapadala ng mga artikulo.
6. Ang pinakamahalagang isinulat ni rizal sa Hongkong ay ang saligang Batas ng La liga Filipina.
G. Ang Pagpapasiya na Magbalik sa Maynila
1. Ang mga dahilan na magbalik sa Maynila.
a. Kausapin si Gob. Hen. Despujol ukol sa Proyektong Borneo
b. Itatag ang La Liga Filipina sa Maynila
c. Patunayan kay Eduardo de Lete na ito ay mali sa kanyang paniniwala na matapang si Rizal dahilan sa siya ay malayo sa mga Espanyol.
2. Tinutulan ng mga kamag-anak ni Rizal ang kanyang nais na pagbabalik sa Maynila dahilan sa itoo ay mangangahulugan lamang ng kamatayan.
3. Ginawa ni Rizal ang mga sumusunod na sulat bago umalis ng Hongkong na iningatan ni Dr.Marquez na bubuksan lamang kung siya ay mamamatay .
a. sulat sa kanyang mga magulang at mga kapatid
b. Sulat sa sambayanang Pilipino
c. Sulat sa Gobernador Heneral Despujol
4. Nagbalik si Rizal kasama ni Lucia sa Maynila. Kasabay naman ng pag-uwi ng Rizal ay pagsasampa naman ng kanyang mga kaaway ng kaso.