I. Ang Paglalakbay
1. Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina Rizal at Viola sa Europa.
A. Dresden
1. Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay napataon sa Eksposisyon ng mga Bulaklak.
2. Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa Museo ng Sining.
3. Prometheus Bound - isang obra maestrang pinta na labis na hinangaan ni Rizal sa Dresden.
4. Dr. Jagor - nagpayo kay Rizal na padalhan muna ngg telegrama si Blumentritt bago siya pumunta ng Leitmeritz.
B. Leitmeritz
1. Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay sinalubong ni Prof. Ferdinand Blumentritt sa istasyon ng tren dala ang larawan na pagkakakilalanan kay Rizal.
2. Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at Blumentritt habang bumibisita sa Leitmeritz.
3. Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt
a. Rosa ang asawa ni Blumentritt
b. Dolores - anak
c. Conrad - anak
d. Fritz - anak
-
Burgomaster - ipinakilala ni Blumentritt si Rizal at kaniyang hinangaan ang katalinuhan ni Rizal sa madaling pagkatuto ng wikang Aleman.
-
Dr. Carlos Czepelak - isa sa mga kilalang siyentipiko ng Europa nma nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.
-
Robert Klutschak - isang bantog na naturalista na nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.
C. Prague
1. Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito noong Mayo 17 -19, 1887.
2. Dr. Willkom - ang professor ng natural history ng Unibersidad ng Prague na dinalaw ni Rizal sa lunsod dala ang sulat ng pagpapakilala ni Blumentritt.
3. Binisita ni Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus - ang dakilang astronomo sa kasaysayan ng sangkatauhan.
4. Binisita din nila ang kuweba na nagsilbing bilangguan ni San Juan Nepomuceno pati na ang tulay na pinaghulugan nito.
D. Vienna
1. Binisita ni Rizal sa lunsod na ito si Norfenfals na isa sa mga pinakadakilang nobelista ng Europa noong panahong iyon. Sa dakong huli hinangaan din niya si Rizal sa katalinuhang taglay nito.
2. Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola sa Vienna.
E. Pagbaybay sa Ilog Danube
1. Danube - isa sa mga malalaking ilog ng Europa. Nagsakay sina Rizal at Viola ng bangka upang makita ang kagandahan ng ilog at ng kanyang mga pangpang.
2. Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang kakaibang gamit ng mga tagarito na papel na napkin sa kanilang pagkain.
F. Lintz tungo sa Rheinfall
1. Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at panandaliang namasyal upang malasahan ang Munich beer na bantog sa buong Alemanya.
2. Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at Viola ang museo na nagtataglay ng mga kagamitang pangpahirapna ginamit sa panahon ng Ingkisisyon at ang pagawaan ng manyika na pinakamalaking industriya ng lunsod.
3. Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng lunsod na kilala bilang pinakamalaki at pinakamataas at pinanhik ang tore nito.
4. Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang sinabing "pinakamaganda sa buong Europa."
G. Switzerland
1. Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang pinakamaganda sa buong Europa.
2. Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland
a. Aleman
b. Pranses
c. Italyan
-
Dito niya natanggap ang isang telegrama ukol sa isinasagawang Eksposisyon sa Madrid na ang ipinapakita sa Pilipinas ay ang mga tribo ng Igorot na suot na bahag at mga makalumang kagamitan ay pinagtatawanan ng mga taga- Madrid.
-
Sa Geneva inabutan si Rizal ng kanyang ika-26 na taong kaarawan at kanyang pinakain si Viola ng isang masaganang pagkain.
-
Dito sa lunsod ng Geneva naghiwalay sina Rizal at Viola. Si Rizal para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa Italya at si Viola naman para magbalik sa Barcelona.
H. Italya
-
Mga lunsod ng Italya na binisita ni Rizal
a. Turin
b. Milan
c. Venice
d. Florence
e. Rome
1. Roma - nakarating si Rizal sa "lunsod ng mga Caesar" noong Hunyo 27, 1887. Hinangaan ni Rizal ng labis ang karangyaan ng nasabing lunsod.
2. Mga kahanga-hangang tanawin na binisita ni Rizal sa Roma
a. Capitolium
b. Bato ng Tarpeian
c. Palatinum
d. Forum Romanum
e. Ampiteatro
f. Simbahan ng Santa Maria Magigiore
-
Vaticano - ang lunsod na sentro ng Katolisismo sa mundo at dinalaw ito ni Rizal noong Hunyo 29, 1887. Kanyang nakita ang Basilica de San Pedro - ang pinakamalaking simbahan sa mundo.