top of page

A.    Biyahe Patungo sa Hongkong

1.     Peberero 3, 1888 - sumakay si rizal ng barkong Zafiro patungo ng Hongkong at nakarating sa Amoy, China noong Pebrero 7,1888.

2.     Hindi lumabas si Rizal ng Amoy bunga ng tatlong dahilan:

a.     hindi mabuti ang kanyang pakiramdam

b.     umuulan noon ng malakas

c.      narinig niya na ang lunsod ay marumi.

 

  • Victoria Hotel - dito nanuluyan si Rizal sa pagdating sa Hongkong

  • Jose Sainz de Varanda - isang opisyal na Espanyol na sumusubaybay o nagmamanman kay Rizal sa Hongkong.

  • Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong ang mga Pilipinong takas mula sa Marianas na hinuli ng mga Espanyol noong 1872.

  • Nakatagpo ni Rizal sa Hongkong si Jose Basa isang abogadong tumakas sa Marianas aat biktima ng terorismo ng Espanya ng 1872.

 

B.    Pagbisita sa Macao

1.     Kiu Kiang - ang barkong sinakyan ni Rizal at Basa patungo sa Macao noong Pebrero 18, 1888 at nakita niya dito si Jose Sainz de Varanda na sumusunod sa kanya.

2.     Don Juan Francisco Lecaros - Pilipino na nakapag-asawa ng Portugess at sa kanyang bahay si Rizal ay nanuluyan habang sila ay nasa Macao.

 

C.    Karanasan sa Hongkong

1.     Naobserbahan ni Rizal ang mga sumusunod sa Hongkong;

a.     Maingay na pagdiriwang ng Bagong Taon ng Pebrero 11- 13, 1888.

b.     Ang kaibahan ng tanghalan ng mga Tsino at paraan ng pagganap at paglalarawan ng mg galaw ng mga tauhan.

c.      Ang masaganang piging kung saan ang mga panauhin ay inaanihan ng labis na pagkain.

d.     Ang mga Dominikano ang pinakamayamang ordeng pangrelihiyon sa Hongkong dahilan sa pag-aari ng maraming mga bahay paupahan, at malaking halagang salapi na nakadeposito sa mga bangko na tumutubo ng malaking interes.

 

D.    Paglisan sa Hongkong

1.     Pebrero 22, 1888 - nilisan ni Rizal ang Hongkong sakay ng barkong Oceanic na pag-aari ng mga Amerikano at kanyang patutunguhan ay ang bansang Hapon.

 

 

Hongkong at Macao

bottom of page