top of page
  • Ang Pagpasok ni Rizal sa Ateneo

1.  June 20, 1872 – sinamahan si Rizal ni Paciano para magpunta sa Maynila. Kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo.

2. Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa siya

  • huli na sa patalaan

  • maliit para sa kaniyang edad

3. Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kaniyang apelyidong Rizal imbes na Mercado.

4. Manuel Xerex Burgos – ang pamangkin ni Jose Burgos na tumulong upang makapasok si Rizal sa Ateneo.

5. Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na pag-aari ni Señora Titay sa Daang Caraballo, na nasa labas ng Intramuros.

 

  • Sistema ng Edukasyong Heswita

1. Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob ng mga Jesuita kumpara sa mga kolehiyo noong sa Pilipinas.

2. Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita ay ang hubugin ang mga mag-aaral sa mga aral ng Katolisismo, kaalaman sa sining at agham. Ang isang matalinong Katoliko mula sa pananaw ng mga Jesuita ay magiging mabuting tagapagtanggol ng simbahan. Ang pangunahing pilosopiya ng Ateneo ay Ad Majorem Dei Gloriam â€“ Para sa Higit na Kadakilaan ng Diyos.

 

  • Hinati ang klase sa dalawang pangkat

1. Imperyong Romano – katawagan sa mga internos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng Ateneo.

2. Imperyong Cartago – katawagan sa mga externos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng Ateneo.

 

  • Unang Taon sa Ateneo (1872-73)

1. Padre Jose Bech S.J. – ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa Ateneo.

2. Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa imperyong Cartago ngunit sa paglipat ng mga linggo ay nagawang makapanguna sa kaniyang mga kamag-aral.

3. Napanalunan niya ang kaniyang unang gantimpala sa kaniyang pag-aaral – isang larawang pangrelihiyon.

4. Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang Esanyol siya ay nagpaturo ng aralin sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kaniyang pamamahinga sa tanghali.

5. Sa kalagitnaan ng taon si Rizal ay hindi nagbuti sa kaniyang pag-aaral upang mapanatili ang kaniyang pangunguna sa klase ito ay dahilan sa kaniyang sama ng loob sa hindi makatwirang puna ng guro sa kaniya.

6. Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa bilangguan ang kaniyang ina. Lihim na pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kaniyang ina at kinuwentuhan niya ang ina ukol sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.

 

  • Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74)

1. Walang masyadong mahalagang pangyayari kay Rizal sa Ateneo sa taong ito.

2. Hindi nagpakita ng pangunguna sa pag-aral si Rizal dahilan sa sama ng loob dailan sa hindi magandang puna ng guro sa kaniya

3. Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral sa Biñan.

4. Hinulaan ni Rizal ang nalalapit na paglaya ng kaniyang ina.

5.  Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan sa mga aklat na ito ay ang mga sumusunod:

  • Count of Monte Cristo na sinulat ni Alexander Dumas.

  • Universal History na sinulat ni Cesar Cantu na pinilit niyang ipabili sa kaniyang ama.

  • Travels in the Philippines na isinulat ni Dr. Feodor Jagor.

 

  • Ikatlong Taon sa Ateneo (1875-76)

1. Nagbalik si Rizal sa Ateneo para sa kaniyang Ikatlong Taon.

2. Dumating ang kaniyang ina at ipinaalam kaniyang paglaya kay Rizal.

3. Hindi rin kinakitahan ng pangunguna si Rizal sa klase.

4. Natalo siya ng mga kamag-aral na Espanyol sa wikang Espanyol dahilan sa mas mahusay ang mga ito sa sa tamang pagbigkas.

 

  • Ika-apat na Taon sa Ateneo (1876-77)

1. Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez S.J. Ang nasabing pari ang humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti, lalo na sa pagsulat ng mgatula.

2. Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral.

3. Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at natapos ang taon ng pag-aaral na mayroong limang medalya.

 

  • Huling Taon sa Ateneo (1876-77)

1.  Naging ganap ang sigla ni Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.

2.   Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23, 1877 at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes.

 

  • Mga Naging Ibang Gawain sa Ateneo

1. Mga Samahan na Kinasapian ni Rizal

  • Kalihim ng Marian Congregation

  • Kasapi ng Academy of Spanish Language

  • Kasapi ng Academy of natural Sciences

2. Nag-aral siya pagguhit kay Agustin Saez na kilalang mahusay na pintor na Espanyol.

3. Nag-aral siya ng paglililok kay Romualdo de Jesus.

4. Nag-aral din siya ng eskrima at gymnastics.

5. Padre Jose Villaclara - nagsabi kay Rizal na tigilan na ang pagsulat ng tula.

 

  • Likhang Lilok

1. Imahen ng Birheng Maria na ipagkakaloob sana ni Rizal kay Padre Lleonart.

 

  • Unang Pag-ibig ni Rizal

1.  Segunda Katigbak – ang babaeng unang minahal ni Rizal.

2.  Mariano Katigbak – kapatid ni Segunda at kaibigan ni Rizal.

3.  La Concordia â€“ ang paaralan na pinapasukan ni Segunda Katigbak.

4.  Manuel Luz – ang lalaking takdang mapangasawa ni Segunda.

Ateneo

bottom of page