top of page

A.    Desisyon na magbalik sa Pilipinas

1.     Mga Tumangging magbalik si Rizal sa Pilipinas

a.     Paciano Rizal

b.     Silvestre Ubaldo

c.      Jose Cecilio

2.     Mga Dahilan ng Pagbabalik

a.     Tistisin ang mata ng kanyang ina

b.     Paglingkuran ang kanyang mga kababayan

c.      Makita ang epekto ng kanayng nobelang Noli

d.     Itanong kung bakit hindi na nasulat si Leonor Rivera

3.     Hunyo 29, 1887 - tumelegrama si Rizal sa kaniyang ama ukol sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

 

B.    Pagbabalik Patungo ng Maynila

1.     Hulyo 3 ,1887 - lumulan si Rizal sa barkong Diemnah ang barkong kanyang sinakyan noong siya ay magtungo ng Europa limang taon na ang nakakaraan.

2.     Hulyo 30, 1887 - nakarating si Rizal sa Saigon at sumakay ng barkong Haipong.

3.     Agosto 5, 1887 - nakarating ang Haipong sa Maynila.

4.     Napansin ni Rizal na sa limang taon niyang pagkakahiwalay sa bansa ay halos walang nagababago sa kaayusan at kaanyuan ng lunsod ng Maynila.

 

C.    Pagbabalik sa Calamba

1.     Agosto 8, 1887 - petsa ng makarating si Rizal sa Calamba.

2.     Paciano - hindi niya hiniwalayan si Rizal sa mga unang araw ng pagbabalik nito sa Calamba dahilan sa kanyang pag-aalala sa kaligtasan ng kanyang nakababatang kapatid.

3.     Nagtayo si Rizal ng isang klinika sa Calamba upang maka-paglingkod sioya bilang manggagamot.

4.     Ang kanyang unang naging pasyente ay ang kanyang ina, nguni't hindi niya ito inoperahan sa dahilang ang katarata nito ay hindi pa noon hinog.

5.     Tinawag si Rizal na Doktor Uliman ng mga taga -Calamba at naging bantog sa Calamba at mga karatig bayan at dinayo ng mga tao ang kanyang klinika.

6.     Kumita si Rizal ng P900 sa unang buwan ng kanyang paggagamot at sa buwan ng Pebrero 1888 ang halaga ay umabot ng P5,000.

7.     Nagtayo si Rizal ng isang gymnasium sa Calamba upang mailigtas ang kanyang mga kababayan sa bisyong tulad ng sugal at sabong.

8.     Hindi nadalaw ni Rizal si Leonor Rivera dahilan sa pagtutol ng kanyang mga magulang na dalawin ang dalaga. Ang mga magulang ni Leonor Rivera ay ayaw na makatuluyan ng kanilang anak na si Rizal.

 

D.    Ang Kaguluhang Bunga ng Noli Me Tangere

1.     Nilapitan ng mga prayle ang gobernador heneral at naghahatid ng mga sumbong na laban sa nobelang Noli Me Tangere.

2.     Emilio Terrero - ang gobernador heneral na nagpatawag kay Rizal ukol sa usapin ng nobelangNoli Me Tangere at kanyang hinigian si Rizal ng isang kopya ng nasabing nobela. Walang kopyang maibigay si Rizal dahilan sa naubos na ang kanyang mga dala.

3.     Binisita ni Rizal sa Ateneo ang kanyang mga dating guro na sina Padre Federico Faura,Francisco Paula Sanchez, at Jose Bech upang hingin niya ang kopya ng Noli Me Tangere na kanyang ibinigay sa Ateneo, ayaw ibigay ng mga pareng Jesuita ang kanilang mga kopya.

4.     Pedro Payo - ang arsobispo ng Maynila na kalaban ng mga Pilipino at nagpadala ng kopya ng Noli Me Tangere sa rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas upang pag-aralan ang nobela.

5.     Gregorio Echavarria - ang rektor ng UST at katulong ng lupon ng mga guro ng unibersidad na gumawa ng pag-aaral sa nobelang Noli Me Tangere.

6.     Ayon sa pag-aaral ng mga lupon ng mga guro ng UST ng rekomendasyon na ang Noli Me Tangere ay heretikal, subersibo, at laban sa kaayusang pampubliko.

7.     Hindi nagustuhan ni Terrero ang ulat ng lupon ng mga guro ng UST dahilan sa alam niyang kalaban ni Rizal ang mga Dominikano at ipinadala ang kopya ng Noli Me Tangere sa Permanenteng Lupon ng Sensura na binubuo ng mga pari at mga taong hindi alagad ng simbahan.

8.     Padre Salvador Font - ang pinuno ng Lupon sa Sensura na nag-ulat na ang Noli Me Tangere ay subersibo at kontra sa simbahan at pamahalaan. Kanyang iminungkahi ang pagbabawal ng pag-aangkat, paggawa at pagbibili ng mapanirang nobela.

 

E.    Mga Kaaway ng Noli Me Tangere

1.     Padre Jose Rodriguez - prayle ng Guadalupe na naglabas ng walong polyeto na bumabatikos sa Noli Me Tangere. Ang mga polyetong isinulat niya ay ipinagbibili sa mga nagsisimba.

2.     Mga Senador ng Espanya na bumabatikos sa Noli Me Tangere.

a. Jose Salamanca

b. Luis M. de Pando

c. Fernando Vida

3.     Vicente Barrantes - kanyang binatikos ang Noli Me Tangere sa kanyang inilathalang artikulo sa pahayagang La Espana Moderna.

 

F.    Mga Tagapagtanggol ng Noli Me Tangere

1.     Marcelo H. del Pilar

2.     Antonio Ma. Regidor

3.     Graciano Lopez Jaena

4.     Mariano Ponce

5.     Segismundo Moret - isang Espanyol na dating Ministro ng hari ng Espanya at tagapagtanggol ng Noli Me Tangere.

6.     Miguel Morayta - propesor ng kasaysayan sa Unibersidad Central de Madrid.

7.     Ferdinand Blumentritt

8.     Padre Vicente Garcia - isang iskolar na paring Pilipino na gumawa ng isang polyeto na ginamitan niya ng pangalang panulat na Desiderio Magalang at kanyang sinagot ang mga akusasyon ni Padre Jose Rodriguez laban sa Noli Me Tangere at sa may akda nito.

 

G.    Ang Pakikipagkaibigan kay Jose Taviel de Andrade

1.     Jose Taviel de Andrade - isang tenyente ng hukbong Espanyol na inatasan ni Gobernador Heneral Terrero upang magsilbing tagabantay ni Rizal laban sa mga lihim niyang kaaway.

2.     Dahilan sa kapwa mga kabataan, edukado, at may kultura naging ganap na magkaibigan sina Rizal at Andrade .

3.     Nakasama ni Rizal si Andrade sa pamamasyal, iskrimahan, at pagbaril.

 

H.    Suliranin Agraryo sa Calamba

1.     Naimpluwensiyahan si Gobernador Heneral Terrero ng kanyang nabasa sa Noli Me Tangere at nagpasimula ng imbestigasyon sa mga hacienda na pag-aari ng mga prayle upang maituwid ang mga pagmamalabis na nagaganap dito.

2.     Tumulong si Rizal sa kanyang mga kababayan sa Calamba sa pagkuha ng mahahalagang datos ukol sa suliraning agraryo sa kanyang bayan.

3.     Lumabas sa pag-aaral na ginawa ni Rizal ang mga sumusunod:

a.     ang hacienda ng mga paring Dominikano ay sumasakop sa buong bayan ng Calamba.

b.     Ang tubo ng mga paring Dominikano ay patuloy na tumataas dahilan sa walang taros na pagpapalaki ng binabayarang upa sa lupa.

c.      Ang hacienda ay hindi man lamang nagkakaloob ng anumang tulong pinansiyal para sa mga pagdiriwang ng mga kapistahan, sa edukasyon ng mga kabataan, at pagpapabuti ng agrikultura.

d.     Ang mga kasama na siyang nahirapan ng labis sa paggawa sa hacienda ay pinapaalis na lamang mula sa lupa sa dahilan lamang sa mga mababaw na kadahilanan.

e.     Sinisingil ng mataas na tubo ang mga kasama sa hacienda at kung hindi nakapagbabayad ay kinukumpiska ng mga tagapangasiwa ng hacienda ang mga hayop, kagamitan, o maging ang bahay ng mga kasama.

 

I.    Pag-alis sa Calamba

1.     Dahilan sa Noli Me Tangere at pakikialam ni Rizal sa suliraning agraryo sa hacienda sa Calamba, si Rizal ay labis na kinamuhian ng mga prayleng Dominikano.

2.     Pinilit ng mga prayle ang Gobernador Heneral Terrero na iligpit si Rizal sa pamamagitan ng pagpaptapon sa kanya ngunit ang gobernador heneral ay hindi sumunod sa kagustuhan ng mga prayle.

3.     Nakatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal ang kanyang mga magulang at pinaki-usapan siya ng kanyang mga kamag-anakan pati na ni Tenyente Jose Taviel de Andrade na umalis na muna ng Pilipinas.

4.     Pinatawag si Rizal ni Gobernador Heneral Terrero at pinayuhan siya na umalis ng Pilipinas para sa kabutihan ng una.

5.     Napilitang umalis si Rizal sa Pilipinas bunga ng dalawang pangunahing kadahilanan.

6.     Napapasanganib na rin ang buhay ng kanyang mga magulang, kapatid at mga kaibigan.

7.     Mas higit siyang makalalaban para sa kapakanan ng byan kung siya ay magsusulat na malaya sa ibang bansa.

 

Ang Unang Pagbabalik

bottom of page