top of page

I.            Sa Paris (1885-86)

1.     Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na magpakadalubhasa sa optalmolohiya o paggamot sa mata.

2.     Bago nagtungo sa Paris pansamantalang tumigil si Rizal sa bahay ni Maximo Viola na nag-aaral ng medisina sa Barcelo.

3.     Sa Barcelona kaniyang nakilala si Eusebio Carominas ang patnugot ng pahayagang La Publicidad .

4.     Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at naglingkod bilang katulong ni Dr. Loius de Weckert na pangunahing optalmolohista ng Pransiya. Nanatili dito si Rizal mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886.

5.     Sa labas ng kaniyang oras sa klinika ni Dr. Weckert ay kanyang kaibigan partikular na dito ang pamilyang Pardo de Tavera.

 

II.            Heidelberg

1.     Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal ay nagtungo ng Alemanya para sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya.

2.     Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang lunsod ng Heidelberg na kilala sa kanyang unibersidad. Naninirahan siya sa isang boarding house na tinitirhan ng mga mag-aaral ng abogasya.

3.     Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika ni Dr. Otto Becker, isang kilalang doktor ng optalmolohiya sa Alemanya.

4.     A Las Flores de Heidelberg - ang tulang sinulat ni Rizal sa kagandahan ng mga bulaklak ngHeidelberg.

5.     Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ng selebrasyon ng Ikalimang Daan Taon ng Pagkakatatag ng Heidelberg.

 

III.            Wilhelmsfeld

1.     Wilhelmsfeld - isang bayang bakasyunan sa Alemanya kung saan si Rizal ay tumigil ng tatlong buwan.

2.     Karl Ullmer- pastor protestante na tinigilan ni Rizal habang siya ay nagbabakasyon sa Wilhelmsfeld.

3.     Napamahal kay Rizal ang pamilya ni Pastor Ullmer at ito ay kaniyang ipinadama niya sa pamamagitan ng pagsulat sa anak nito na si Friedrich Ullmer na nagpapasalamat sa kabutihan ng nasabing pamilya.

 

IV.            Unang Sulat kay Blumentritt

1.     Hulyo 31, 1886 - petsa ng unang sulat ni Rizal na ipinadal;a niya kay Blumentritt.

2.     Ferdinand Blumentritt - isang propesor sa Ateneo ng Leitmeritz, Austria na interisado sa pag-aaral ng mga diyalekta ng Pilipinas.

3.      Aritmetika - pamagat ng aklat na nakasulat sa wikang Espanyol at Tagalog na ipinadala ni Rizal kay Blumentritt upang magamit niyang batayan sa pag-aaral ng wikang Tagalog.

 

V.            Leipsig at Dresden

1.     Leipsig - isang lunsod sa Alemanya na kaniyang binisita upang dumalo ng aralin saKasaysayan at Sikolohiya.

2.     Dito ay kanyang naging kaibigan si Friedrich Ratzel na kilalang mananalaysay at si Dr. Hans Mever na isang kilalang antropologo.

3.     Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans Christian Andersen.

4.     Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay kaniyang nakilala si Dr. Adolph Meverang direktor ng Museo ng Antropolohiya at Etnolohiya.

 

VI.            Pagtanggap kay Rizal sa Kalipunang Siyentipiko sa Berlin

1.     Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan sa pagkakroon nito ng siyentipikong kapaligiran at malaya sa pagtatangi ng lahi.

2.     Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal ang nasabing manlalakbay na sumulat ng isang akalt tungkol sa Pilipinas.

3.     Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang antropolohistang Aleman na nakilala ni Rizal sa Berlin.

4.     Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong Alemanya na nakilala ni Rizal sa Berlin.

5.     Dr. Karl Ernest Schweigger- isang kilalang optalmolohista ng Berlin at dito si Rizal ay naglingkod sa klinika.

6.     Dr. Rudolf Virchow - kanyang inimbitahan si Rizal na magsalita sa isang pagpupulong ngEthnographic Society ng Berlin.

7.     Tagalog Verskunt - ang pamagat ng papel panayam na binasa ni Rizal sa isinagawang pagpupulong ng Ethnographic Society ng Berlin.

 

VII.            Buhay ni Rizal sa Berlin

1.     Mga dahilan ni Rizal sa Pagtigil sa Berlin

a.     Palawakin ang kaalaman sa optalmolohiya

b.     Palawakin ang kaalaman sa agham at wika

c.      Magmasid sa kalagayang pulitikal at kabuhayan ng Alemanya

d.     Makilahok sa mga kilalang siyentipikong Aleman

e.     Ipalimbag ang Noli Me Tangere

2.     Obserbasyon sa Mga Kababaihang Aleman

a.     Seryosa

b.     Matiyaga

c.      Edukada

d.     palakaibiganin

3.     Paghihirap sa Berlin

a.     Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba

b.     Kumakain lamang ng isang beses sa isang araw

c.      Naglalaba ng kaniyang sariling damit

d.     Naghihinala siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit na tuberkulosis

 

Rizal sa Paris Hanggang Berlin

bottom of page