A. Mga Ginawa ni Rizal sa Biarritz
1. Sa pag-alis ni Rizal sa Madrid ay nagtungo si rizal sa Biarritz at nagbakasyon sa bahay ni Senor Eduardo Bousted sa Villa Eliada.
2. Naging malapit si Rizal sa mga anak na dalaga ni Senor Bousted na sina Adelina at Nellie.
3. Ang Bearritz ay isang magandang bakasyunan at nakita rito ni Rizal ang mga turista mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang kagandahan ng pook ang nagpalimot kay rizal sa kanyang mga kasawian sa Madrid.
4. Nagkaroon ng namuong pag-ibig sa pagitan nina Rizal at Nellie Bousted. Naakit si Rizal kay Nellie sa dahilan sa katalinuhan, mahinahon, at mataas na moral ng dalaga. Ipinagtapat ni Rizal sa kanyang mga kaibigan na nagkaroon siya ng pagnanais na pakasalan si Nellie Bousted.
5. Tinukso na siya ni Marcelo H. del Pilar na palitan ang pamagat ng kanyang nobela na Noli ng Neli. Si Antonio Luna na minsan ay kanyang naging karibal kay Nellie ay hinikayat si Rizal na pakasalan na si Nellie.
6. Natapos ang pag-iibigang Rizal at Nellie dahilan sa hindi nahikayat si Rizal na magpakasal sa dalaga dahilan sa mga sumusunod:
a. Ayaw ni rizal maging Protestante
b. Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal na maging manugang dahilan si Rizal ay mahirap na "doktor na walang pasyente, manunulat na walang pera" at isang repormista na inuusig ng mga prayle at opisyal ng pamahalaan sa sariling bayan.
-
Naghiwalay sina Rizal at Nellie bilang mabuting magkaibigan.
-
Tinapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo ilang araw bago siya umalis sa Biarritzpatungo ng Paris.
-
Sa Paris ay kanyang sinulatan si Jose Basa at sinabing nagnanais siyang manirahan sa Hongkong at dito nagtrabaho bilang doktor.
-
Nagbalik si Rizal sa Brussels at muli niyang binisita ang mga Jacoby lalo na si Petite Sussane Jacoby.
-
Nagpahinga si Rizal sa mga gawain ng Kilusang Propaganda upang maharap niya ang pagpapalimbag ng kanyang ikalawang nobela - El Fililbusterismo . Mula sa Brussels ay kanyang ipinaalam sa Kilusang Propaganda na itigil na ang pagpapadala ng kanyang sustentong P 50 bawat buwan.
-
Tinigilan na rin ni Rizal ang pagpapadala ng mga artikulo sa pahayagang La Solidaridad sa kabila ng pakiusap ng kanyang mga kaibigan . Napansin din ni Marcelo H. del Pilar ang panlalamig ng kilusang propaganda sa pananahimik ni Rizal at dahilan dito ay napilitang sumulat si del Pilar na nakikiusap kay Rizal na muling magsulat sa pahayagan.