top of page

Calamba at Binan

  • Mga Unang Guro ni Rizal

1.        Doña Teodora Alonzo - ang unang guro ni Rizal

2.        Mestro Celestino

3.        Lucas Padua

4.        Leon Monroy

 

  • Pagpunta sa Biñan

1.         Hunyo 1869 - si Rizal ay umalis ng Calamba para magtungo sa Biñan para mag-aral.

2.         Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si Paciano.

3.         Justiniano Aquino Cruz - ang naging guro ni Rizal sa Biñan.

 

  • Mga Naging Gawain sa Pag-aaaral

1.          Sa unang pagkikita niya sa kaniyang guro ay sinabi niya ang kaniyang kakauntian ng kaalaman sa Espanyol at Latin.

2.         Sinabi ni Rizal na ang kaniyang guro ay may kahusayan sa balarilang Espanyol na sinulat nina Nebrija at Gainza.

3.         Nakaaway ni Rizal si Pedro na anak ng kaniyang guro.

4.         Nagkaroon din siya ng away sa mga bata sa Biñan isa na rito si Andres Salandanan na tumalo sa kaniya.

5.        Nag-aral si Rizal ng pagpipinta kay Matandang Juancho na dito ay nakasama ng kaniyang kaeskuwelang si Jose Guevarra.

6.        Sa pagsapit ng ilang buwan si Rizal ay nanguna sa kaniyang mga kaeskuwela sa mga Espanyol, Latin at iba pang mga aralin.

7.        Sa kabila ng kahusayan ni Rizal sa pag-aaral, siya ay napapalo ng kaniyang maestro halos araw-araw dahilan sa mga sumbong laban sa kaniya ng kaniyang mga kamag-aral.

8.       Nilisan ni Rizal ang pag-aaral sa Biñan noong Disyembre 1870 pagkatapos ng halos isa at kalahating taon.

9.        Nilisan ni Rizal ang Biñan sakay ng Barkong Talim na naghatid sa kaniya sa Calamba.

 

  • Ang Gomburza

1.          Sa kaniyang pag-uwi sa Calamba ay nabalitaan niya ang Pag-aalsa sa Cavite at ang pagbitay sa tatlong paring martir na sina Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora.

2.         Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging malapit na mag-aaral ni Padre JoseBurgos.

3.          Si Paciano sa maraming pagkakataon ay naibahagi kay Rizal ang mag ideya at pilosopiya ni Jose Burgos.

 

  • Kawalan ng Katarungan sa Kaniyang Ina

1.           Pagkatapos ng kamatayan ng Gomburza, ang ina ni Rizal ay pinagbintangan na nagbabalak na lasunin ang asawa ng kaniyang kapatid (Jose Alberto) .

2.           Ang mga kaaway ng pamilyang Rizal at ang hipag ng kaniyang ina ay nagkipagsabawatan upang maisangkot ang ina sa nasabing bintang na paglason.

3.           Pagkatapos na madakip ni Donya Teodora, ito ay pinaglakad mula Calamba hanggangSanta Cruz, Laguna na ang layo ay 50 kilometro.

4.           Ang ina ni Rizal ay nakulong sa loob ng dalawa at kalahating taon.

bottom of page