A. Kabiguan sa Katarungan
1. Sa pagdating ni Rizal sa Madrid ay agad niyang hiningi ang tulong Asociacion Hispano-Filipina at mga pahayagang liberal sa Madrid tulad ng La Justicia, El Globo, La Republica, at El Resumen upang matulungan siya sa paghingi ng katarungan sa kanyang pamilya at kababayan sa Calamba.
2. Sa paghingi ni Rizal ng katarungan para sa kanyang pamilya ay tumayo si Marcelo H. del Pilar bilang abogado kanilang idinulog ang kanilang protesta laban sa kawalang katarungan ni gobernador heneral Valeriano Weyler at ng mga paring Dominikano.
3. Ang kanilang pakikinayam kay Ministro Fabie ng Ministerio ng Katarungan ay nawalan ng kabuluhan. Ang patakaran ng Espanya ay ang "sarahan ang tainga, buksan ang pitaka, at magkibit-balikat na lamang."
4. Natanggap ni Rizal ang masamang balita na natanggap na nila ang kautusan ng pagpapaalis sa mga taga-Calamba mula sa hacienda ng mga paring Dominikano.
5. Ang mga kaibigan Espanyol ni Rizal ay walang magawa kundi ang magbigay lamang ng pananalita ng pakikiramay. Samantala ipinanukala ni Blumentritt na makipagkita si Rizal sa Reyna Maria Cristina upang ilapit ang kanyang mga suliranin, ngunit sinabi ni Rizal na siya ay walang kakilala o salapi na makapagsasama sa kaniya sa Reyna.
B. Iba pang mga Kabiguan sa Madrid
1. Habang bigo si Rizal sa paghingi ng katarungan para sa kanyang mga magulang ay namatay naman ang kanyang matalik na kaibigan at kasama sa kilusang propaganda na si Jose Maria Panganiban.
2. Nang malasing si Antonio Luna ay hinamon niya si Rizal ng duwelo dahilan sa karibalan sa babae. Nang matanggal ang kalasingan ay naayos ang hidwaan.
3. Hinamon ni Rizal si Wenceslao Retana ng duwelo. Si Retana ay isang mamamahayag na binabayaran ng mga prayle upang manira sa mga makabayang Pilipino sa Europa sa isa niyang artikulo ay sinabi nito na kaya pinaalis ang pamilya ni Rizal sa Calamba ay dahilan sa hindi pagbabayad ng utang. Hiningi ni Rizal ang paumanhin ni Retana o ang duwelo. Hindi ito natuloy nang humingi ng tawad si Retana at hindi na sumulat ng anumang mapanirang puri si Retana laban sa mga Pilipino. Isang kabalintunaan na si Retana ang kauna-unahang sumulat ng aklat pangbiograpiya ni Rizal na may pamagat na Vidas y Escritos de Dr. Jose Rizal .
4. Ang Pagpapakasal ni Leonor Rivera.
a. Habang nanonood sina Rizal at ang kanyang mga kasama sa tanghalang Apolo sa Madrid ay nawala ang kanyang locket na angtataglay ng larawan ni Leonor Rivera.
b. Nakatanggap si Rizal ng sulat mula kay Leonor Rivera na nagpapabatid ng nalalapit na kasal niya sa isang inhinyerong Ingles na si Henry Kipping na labis na ikinalungkot ni Rizal.
c. Ang labis na pagdaramdam ni Rizal sa tinamong kabiguan ay naisulat niya kay Blumentritt na "pipiliin ni Leonor ang pangalang Kipping dahilan sa ito ay malaya at ang Rizal ay isang alipin."
d. Sa sagot ni Blumentritt ay huli kanyang sinabi na "hindi maunawaan ng kanyang asawa (Rosa) na ang isang babaeng pinarangalan ng pag-ibig ni Rizal ay iiwan siya (Rizal)."
e. Sa isa pang sulat na ipinadala ni Blumentritt sinabi niyang si Leonor ay "tulad ng isang bata, naipinagpalit ang diamante sa isang karaniwang bato."
5. Karibalang Rizal at del Pilar
a. Sa pagtatapos ng 1890, nagsimulang makilala si del Pilar sa Madrid dahilan sa kanyang pagsulat sa La Solidaridad . Sa kabilang dako, ang lideratura ni Rizal ay sa aspekto ng ideyalismo na hindi ganap na maunawaan at matularan ng kanyang mga kasamahan.
b. Maging sa editoryal ng La Solidaridad ay nagkakaroon na ng pagkakaiba sa paniniwala at patakaran sina Rizal at del Pilar.
c. Upang magawan ng paraan na huwag lumala ang karibalan ay nagka-isa ang mga Pilipino saMadrid na may bilang na 90 ay nagkaisang magsagawa ng isang pag-uusapan na kanilang gaganapin sa Enero 1, 1891.
d. Pinag-usapan dito na ang editoryal ng La Solidaridad ay mapasailalim sa samahan ng mga Pilipino, ito ay tinutulan ni del Pilar. Napag-usapan na magkakaroon ng isang halalan na dito ang makapagtatamo ng 2/3 na boto ang mananalo.
e. Nagsagawa ng halalan ang mga Pilipino sa Madrid noong unang linggo ng Pebrero 1891 at nahati ang mga Pilipino sa dalawang kampo -- Rizalista at Pilarista . Sa unang araw ng halalan ay si Rizal ang nanalo ngunit hindi natamo ang 2/3 na kinakailangang boto at sa ikalwang araw ay nagkaroon uli ng halalan ay ganito pa rin ang resulta.
f. Sa ikatlong araw ay hinakayat ni Mariano Ponce na bumoto na ang karamihan kay Rizal at natamo ni Rizal ang kinakailangang 2/3 na boto na naghalal sa kanya bilang pinuno ng samahan.
g. Pagkatapos ng pagwawagi ni Rizal ay hindi niya tinaggap ang kanyang posisyon, sa dahilang ayaw niyang maging pinuno ng hati-hating samahan.
-
Umalis si Rizal sa Madrid na nag-iwan ng maikling sulat ng pagpapasalamat sa mga kababayan niyang naghalal sa kanya at nagtungo sa Biarritz.