top of page

A.    Ang Ikalawang Pagbabalik

1.     Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid na si Lucia at tumigil sa Hotel de Oriente.

2.     Sa hapon ng nasabing araw nagtungo si Rizal sa Malacanang upang makipagkita sa gobernador heneral ngunit pinabalik siya ng gabi at nakausap si Despujol.

3.     Binisita niya ang kanyang kapatid na si Narcisa at si Neneng.

4.     Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren at dinalaw ang kanyang mga kaibigan sa Malolos, Bulacan; San Fernando, Pampanga; Tarlac, Tarlac; at Bacolor, Pampanga. Ang kanyang mga paglalakbay ay sinusundan ng mga Espanyol at mga bahay na kanyang binisita pagkatapos ng ilang araw ay sinalakay ng mga kawal Espanyol.

5.     Sa mga sumunod na araw ay muling nakipagkita si Rizal kay Despujol.

 

B.    Pagtatayo ng La Liga Filipina

1.     Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjungco sa Kalye Ylaya, tondo Maynila.

2.     Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga sumusunod:

a.     Pedro Serano Laktaw

b.     Domingo Franco

c.      Jose Ramos

d.     Ambrosio Salvador

e.     Bonifacio Arevalo

f.       Agustin de la Rosa

g.     Moises Salvador

h.    Luis Villareal

i.       Faustino Villaruel

j.       Mariano Crisostomo

k.     Numeriano Adriatico

l.       Estanislao Legaspi

m.  Teodoro Plata

n.    Andres Bonifacio

o.     Juan Zulueta

 

C.    Pag-aresto at Pagpapatapon

1.     Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa dahilan sa bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan.

2.     Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa Fort Santiago.

3.     Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon si Rizal sa Dapitan.

4.     Dinala si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng barkong Cebu.

 

Ang Ikalawang Pagbabalik at Pagtatag ng La Liga

bottom of page